top of page

1,300 Jeepney Drivers, Balik Operasyon na Muli sa Metro Manila


Contributed Photo.

Inaasahang aabot sa higit 1,300 na bilang ng traditional public utility jeepneys (PUJs) ang muling aarangkada sa lansangan ng Metro Manila matapos itong payagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magbalik biyahe simula ngayong Miyerkules.

Sa ilalim ng Memorandum Circular 2020-040 na inilabas ng ahensya, nakapaloob ang 1,333 na eksaktong bilang ng mga pampublikong jeep ang papayagang magbalik operasyon sa 23 ruta na aprubado ng LTFRB.

Hindi na mandatoryo ang pagkuha ng special permits para magbalik biyahe at makadaan sa mga rutang ito, kinakailangan lamang ang QR code ng mga rehistradong unit na matatagpuan sa website ng LTFRB at maaring na itong i-download.

Kaugnay nito, mahigpit parin ang pagpapatupad sa pagsunod ng mga pampublikong transportasyon sa safety protocols na rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

bottom of page