10,000 Residente ng Metro Manila, Nag-apply sa 'Balik Probinsya' Program Online
Matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 114, mahigit sampung libong residente na ang nagfile ng kanilang application para sa Balik-probinsya program na naglalayong makapagbigay ng hanap-buhay sa mga residente sa Maynila at bawasan ang populasyon sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay National Housing Authority (NHA) General Manager Marcelino Escalada, may koordinasyon sila sa lokal na pamahalaan ng mga top 10 na probinsyang nais puntahan ng mga aplikante, base sa readiness criteria ng NHA.
Gayundin, katulong ng NHA ang Department of Social Welfare and Development (DWSD) sa pagbibigay ng security, monitoring at weekly assistance sa mga residente upang masiguro ang kanilang kaligtasan.
