top of page

100,000 Workers, Apektado sa Pagsasara ng Mahigit 3,000 Establisyemento dahil sa COVID


Inanunsiyo ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mahigit 100,000 manggagawa ang apektado sa pansamantalang pagsasara ng mahigit 3,000 business establishments dahil sa COVD-19.

Nakatanggap umano ang ahensiya ng report na 3,102 companies ang temporary na nahinto sa operasyon samantalang nasa 200 ang nagfile ng cloure simula ng ipatupad ang lockdown sa Luzon.

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa Senado COVID-19 Adjustment Measures Program na magbibigay ng tulong pinansyal sa mga nawalan ng trabaho.

Dadag ni Bello na pansamantalang aasa muna ang ahensya sa Business Process Outsourcing (BPO) sector at proyekto ng gobyerno upang iangat ang ekonomiya ng bansa. Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na gumagawa na ng hakbang ang administrasyon sa muling pagbubukas ng ekonomiya upang mabigyan na ng trabaho ang mga mamamayan.

bottom of page