11k na Bata sa Pasig, Tumanggap ng Food Packs


Photo from Pasig City PIO.

Nakatanggap ang higit 11,000 bata ng food packs at bitamina mula sa lokal na pamahalaan ng Pasig para matiyak ang malusog na pangangatawan ng mga ito sa kabila ng pag-iral ng pandemyang kinakaharap ng bansa.

Mayroong tinatayang 6,095 days care pupil at 4,905 Supervised Neighborhood Play (SNP) kid ang kabuuang bilang ng mga batang nakatanggap ng mga ibinahaging bitamina at nurtipack mula sa city government, ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto.

Sa isang online post ang ipinakita ng alkalde kung ano-ano ang mga nilalaman ng nutripack na ibinabahagi nito sa kanyang nasasakupan, nakapaloob dito ang mga masusustansyang pagkain at bitamina na siyang magpapatibay sa resistensya ng mga bata sa kalagitnaan ng pag-usbong ng pandemya sa bansa.