top of page

122-Anyos na Lola sa Negros Occidental, Maaaring Matalaga Bilang ang Pinakamatandang Taong Nabubuhay


Lola Francisca Susano.

Posibleng maging record holder bilang pinakamatandang taong nabubuhay sa kasalukuyan ang 122-anyos na si Lola Francisca Susano, isang residente sa Negros Occidental.

Sinabi niya sa isang interview na nadatnan at naabutan niya ang lahat ng mga naging presidente sa Pilipinas, kahit pa si Emilio Aguinaldo dahil sa kaniyang edad.

Ayon naman sa kaniyang apo, tumutugtog pa rin siya ng harmonica sa kabila ng kaniyang matandang edad upang magsilbing ehersisyo sa kaniyang baga, at mapanatili itong malakas.

Ang sikreto daw ni Lola Iska ay ang pagkain niya ng gulay simula't sapul, regular na ehersisyo, at pag-inom ng honey araw-araw.

Samantala, kasalukuyang sinusuri ng Gerontology Research Group ng Guinness World Records ang mga datos ni Lola Iska bago siya matalaga bilang isang record holder.

bottom of page