14 Million Meals, 100 Milyon na Binhi, Ibinahagi sa 2.5 Milyong Pinoy

Nasa 2.5 milyon Pinoy na ang nabigyan ng 14 million meals at mahigit 100 milyong binhi ng gulay ng International Care Ministries (ICM), isang non-governmental organization (NGO) na tumutulong sa mga mahihirap.
Nagbahagi ang ICM ng nasa 250,000 gardening kit, kasama ng mga binhi, sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino na walang makain dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay ICM employee Aldran, makatutulong ang mga binhi, na ipinamahagi sa Visayas at Mindanao, bilang pagmumulan ng income at pagkain.
Sinabi ni ICM CEO David Sutherland, bukod raw sa maiibsan nito ang gutom ng mga Pinoy, magbibigay rin ito ng pag-asa na balang-araw ay makokontrol rin ng mga tao ang kanilang buhay.
Sa tantiya ng ICM, magreresulta sa halos 7 milyon kilo ng gulay ang unang ani sa mga buto na magkakahalagang P400 million.