150,000 Test Kits na Donasyon ng China sa Pilipinas Laban sa COVID-19, Natanggap na!

Dumating na sa bansa ang panibagong donasyon ng China na mga Covid 19 testing kits at protective equipment.

May kabuuang 150,000 testing kits at 18,000 disposable overalls para sa mga medical frontliners para sa patuloy na paglaban sa nakamamatay na Covid 19 pandemic.

Malugod na tinanggap ni National Task Force COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. mula kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa isang seremonya ang mga nasabing medical at protective equipments.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr., sa pamamagitan ng chartered flight ay naging maayos at ligtas ang pagdating ng mga medical equipments para sa medical frontliners ng bansa.