top of page

1st COVID-19 Antidote, Matagumpay na Nabuo ng Israel


Photo is for illustration purposes only.

Inanunsiyo ng Israel Institute for Biological Research (IIBR) at Israeli Ministry of Defense ang matagumpay na pagbuo ng isang antibody na kayang i-neutralize ang SARS-Cov-2 o coronavirus.

Sa tweet ng Israeli Ministry of Defense, kinumpirma ng ahensiya na nakumpleto ng IIBR ang scientific breakthrough sa loob lamang ng dalawang araw.

Siniguro ng IIBR na ang antibody ay dumaan sa testing at nasubok na sa mga pasyenteng may malalang kaso ng COVID-19.

Ayon pa sa ahensiya, ang antidote ay nasa acceptance phase na ng pharmaceutical companies na siyang magbibigay-daan sa mass production at commercialization ng gamot.

Samantala, inalis na ng gobyerno ng Israel ang lahat ng restrictions at pinayagan na ang malayang paggalaw ng mga mamamayan nito.

bottom of page