2 Milyong Piso, Alok na Pabuya ni Pangulong Duterte sa Makakahuli sa Top NPA Commanders
Nag-alok si Pangulong Rodrigo Duterte ng P2 milyong pisong pabuya sa mga makapagbibigay ng malinaw at sapat na impormasyon tungkol sa ‘top communist leaders’ ng New People’s Army o NPA.
Ayon sa virtual press briefing ng Pangulo, sinabi niya na pagkakalooban ng proteksyon ang sinumang makapagtuturo sa mga rebeldeng komunista, ililipat niya ito ng tirahan at bibigyan ng new identity gaya ng ginagawa sa “witness proteksyon program”.
Una ng sinabi ng Pangulo na tatapusin niya ang mga komunistang rebelde bago matapos ang kanyang termino sa 2022.
Kamakailan ay nag-banta din ang Pangulo na kung patuloy ang enkwentro sa pagitan ng gobyerno at rebeldeng komunista sa kabila ng laganap na pagkalat ng coronavirus disease sa bansa ay madedeklara ito ng ‘martial law’.
