• Estephany Rivera

2 Pinoy Hoteliers, Pasok sa Stelliers Awards 2020 Finals


Rey Moraga

Tampok ang pagiging palakaibigan at hospitality ng mga Pilipino sa Stelliers Awards 2020 nang makapasok ang dalawang Pinoy sa Finals stage ng nasabing patimpalak.

Kasama sina Rey Moraga at Esther Cabusao sa finalists ng ‘Front Office Hotelier of the Year’ category ng awards ceremony. Irerepresenta ni Moraga ang Raffles Grand Hotel d’Angkor sa Cambodia samatalang si Esther Cabusao ang kakatawan sa Conrad Hotel sa Manila.

Ang Stelliers ay kaisa-isang awards platform sa Asya na nagbibigay parangal sa mga professionals sa industriya ng hospitality.

Pinangalanan din ng AccorHotels, pinakamalaking hospitality group sa mundo, si Moraga bilang ‘The Most Outstanding Heartist in Asia Pacific’ mula sa 80,000 na empleyado ng grupo.

Pinayuhan naman ni Moraga ang mga kabataan na nangangarap na pumasok sa hospitality industry na manatiling mausisa, malikhain, at i-enjoy ang ginagawa.

Pararangalan ang mga magwawagi sa Stelliers sa Disyembre 4, 2020 sa Macau.