20% Discount Para sa Vitamins ng Senior Citizen, Isinulong ng DOH
Naglabas ang Department of Health (DOH) ng isang administrative order na nag-uutos sa mga drug outlets na magbigay ng 20% discount at VAT exemption sa mga senior citizen para sa kanilang pangangailangan sa bitamina at iba pang supplements.
Sakop ng Republic Act of 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 ang 20% na diskwento ng mga matatanda sa bitamina at pangunahing supplements.
Samantala, nilagdaan na ng kalihim ang DOH AO 2012-0007-1 na nagsasaad na dapat ibenta ang mga vitamis at mineral supplements na ‘medically prescribed’ ng mga doctor sa mas mababa nitong presyo.
Pinuri naman ni Senator Bong Go ang DOH dahil aniya malaking tulong ito upang maproteksyunan at mapangalagaan ang mga matatanda na siyang madaling kapitan ng nakahahawang sakit o COVID-19 sa gitna ng krisis na kinakaharap.
