top of page

23 Opisyal ng Barangay, Kinasuhan Hingil sa Korupsyon sa SAP

Nahaharap sa labindalawang (12) criminal charges ang dalawampu’t tatlong (23) barangay officials matapos silang sampahan ng kaso ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) dahil sa di umano’y korupsyon sa pamimigay ng ayuda o social amelioration program (SAP).

Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo na karamihan sa mga kasangkot ay punong barangays, barangay kagawads, barangay treasurers, barangay secretaries, barangay employees, purok leaders, at social workers.

Ayon kay DILG Undersecretary and Spokesman Jonathan E. Malaya, ilan sa mga katiwalian na ginawa ng mga barangay officials ang paghahati-hati ng cash aid, falsification ng master list, at pagkuha ng kanilang ‘cut’ mula sa SAP beneficiaries.

Nahaharap ngayon ang mga opisyal sa kasong paglabag sa Republic Act 3019 o ang Anti Graft and Corrupt Practices Act at RA 11469 o the Bayanihan to Heal As One Act.

Hinikayat ni Malaya ang publiko na isampa ang kanilang mga hinaing laban sa mga corrupt barangay officials at social workers at sinigurong mahaharap ang mga ito sa paglilitis.



bottom of page