• Admin

24 Oras na Operasyon Inutos ni Pangulong Duterte sa FDA at DOST

Iniutos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Food and Drug Administration (FDA) at Department of Science and Technology (DOST), ang 24-hour operation at pag-hire ng karagdagang tauhan ng dalawang ahensiya. Tinawagang ng pansin pangulo sina FDA Undersecretary Dr. Rolando Domingo at DOST Secretary Fortunato "Boy" dela Peña na patakbuhin ang mga opisina at laboratory ng 24 oras at mag-hire ng mas marami at doblehin ang tao upang mapabalis ang trabaho at matugunan ang pangangailangan laban sa coronavirus disease (COVID-19). Inilabas ng pangulo ang direktiba matapos makatanggap ng mga reklamo dahil sa “delays” sa FDA at sa lumalalang krisis ng COVID-19 sa bansa.


7 views