top of page

3,500 IDPs, Prayoridad sa Marawi Rehabilitation


Prayoridad ng pamahalaang Duterte ang mga tinatawag na Internally Displaced Persons (IDPs) na pawang walang mga sariling lupa at naninirahan sa mga delikadong bahagi ng Marawi.

Ito ang naging pahayag ni Task Force Bangon Marawi (TFBM) Chairman at Secretary Eduardo del Rosario sa kanyang pag harap kamakailan lamang sa House committee on disaster resilience kaugnay ng patuloy na isinasagawang rehabilitasyon sa Marawi City.

Binigyang diin ni Del Rosario na “top priority" ng gobyerno na mabigyan ng permanenteng tahanan ang mga walang maayos na tirahan at nasa danger areas ng Marawi.

Tinukoy ni Del Rosario na siya ring pinuno ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUF) na batay sa isinagawang assessment ay nasa 3,500 IDPs ang nasa pinaka apektadong lugar ang nangangailangan ng housing assistance kasunod na rin ng pakikipag ugnayan nito sa local government unit ng Marawi City.

“IDPs without lands and living in danger zones are the priority to be given permanent shelters under our housing program,” pahayag ni Del Rosario.

Kabilang sa prayoridad na IDPs ay ang mga naninirahan sa danger zones sa bahagi ng Agus River at sa tapat ng Lake Lanao.

Nabatid na may kabuuang 2,000 permanent shelters na ang kasalukuyang ipinaptayo ng National Housing Authority (NHA) na inaasahang makukumpleto pagdating ng June 2021at makakapagpatayo ng tinatayang nasa 4,800 temporary shelters para sa IDPs.

Bukod pa rito, kasalukuyang nagpapatayo rin ang Social Housing Finance Corporation (SHFC) ng 1,500 units na inaasahang makukumeto pagdating ng March 2021, para sa.kabuuang 3,500 permanent housing units.

Binigyang diin pa ni Del Rosario na puspusan ang isinasagawang rehabilitation sa Marawi City na maaaring matapos sa December 2021. --- by: BENEDICT ABAYGAR, JR.

bottom of page