• Tj Ovivir

30-Anyos na Lalaki sa Brazil, Kauna-unahang Kaso ng Paggaling mula sa HIV sa Buong Mundo


Matapos mapasailalim sa 48 linggo na remission at treatment gamit ang drugs, napag-alaman ng mga doktor na isang 30-anyos na lalaki mula sa Sao Paolo, Brazil ang kumpirmadong gumaling mula sa HIV, isang sakit na hindi pa nahahanapan ng lunas sa mga nakaraang taon.

Nagbigay pag-asa ito para sa mga mahigit 37 milyong pasyente na maaari silang gumaling at makatakas mula sa HIV, dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan.

Ayon kay Doctor Ricardo Diaz ng University of Sao Paulo in Brazil na sumuri sa kasong ito, gumamit sila ng antiretroviral therapy, o ART, at nicotinamide, isang uri ng vitamin B3