300 na Bus, Papayagan ng Pumasada sa Metro Manila sa Hunyo 1

Muli nang papasada ang nasa tatlong daang (300) bus sa National Capital Region (NCR) sa paglipat ng lalawigan mula sa modified enhanced community quarantine (MECQ) papuntang general community quarantine (GCQ) sa ika-1 ng Hunyo.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, papayagan na ang pagbyahe ng mga bus upang mapunan ang mas kaunting tatanggaping pasahero sa Metro Rail Transit-3 (MRT-3) at Light Rail Transit (LRT) systems.
Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na 35 porsyento lamang ng passenger capacity ng mga tren ng Philippine National Railways ang magagamit sa GCQ.
Dinagdag naman ni Ano na papayagang pumasada ang mas maraming bus sa Metro Manila sa ika-21 ng Hunyo.