top of page

31 Barangays sa Manila, Sasailalim sa 2-day Lockdown Simula July 4


Magpapatupad ng 48-hour o dalawang araw na hard lockdown sa 31 barangays sa Manila na mayroong tatlo o mahigit na kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Ayon sa executive order na nilagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno, ipapatupad ang Enhanced community quarantine (ECQ) simula 12:00 a.m. sa Sabado, July 4, hanggang 11:59 p.m. ng Linggo, July 5.

Batay pa sa EO, lahat ng commercial, industrial, retail, institutional, at iba pang mga aktibidad ay suspendido sa loob ng 2-day lockdown maliban na lamang sa mga frontline workers.

Kabilang sa mga frontliners na exempted sa lockdown ang health workers, military personnel, service workers, utility workers, essential workers, barangay officials, at media practitioners na akreditado ng Presidential Communications Operations Office at Inter-Agency Task Force.

Mahigpit namang babantayan ng kapulisan, na madedeploy sa iba’t-ibang strategic locations, ang maayos na implementasyon ng ECQ.

Sa certification na inisyu ng Manila Health Department, mayroong total na 147 aktibong kaso ng COVID-19 sa mga barangay na ito

bottom of page