top of page

4-7 Milyon Karagdagang Botante, Inaasahan ng Comelec para sa 2022 Elections


Inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) na nasa 4-7 milyong karagdagang botante ang magpaparehistro sa darating na voter’s registration sa Setyembre para sa May 2022 Elections.

Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez, Halos apat na buwan umanong nasuspinde ang pagpaparehistro dahil sa pagsasara ng maraming Comelec offices dahil sa pinatupad na lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic.

Inaasahan umano ng ahensiya na apat na milyon sa mga magpaparehistro ang kakatuntong pa lamang sa legal na edad o mag-18-anyos na sa May 2022 elections.

Muling magpapatuloy ang voter’s registration, sa mga lugar sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) o mas mababa pang quarantine, sa ika-1 ng Setyembre.

Maaaring magsumite ng aplikasyon tuwing Martes hanggang Sabado mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon sa Office of the Election Officer.

bottom of page