4 Milyong Kabataan ang Inaasahang Hindi Makakapag-Aral Ngayong Pasukan, Base sa Datos ng DepEd

Sa datos ng Department of Education (DepEd), umabot lamang sa 23 milyong kabataan ang nag-enroll sa darating na pasukan, mas mababa kumpara noong nakaraang taon at inaasahan na mayroong 4 million learners ang hihinto sa pag-aaral sa kabila ng pandemyang nararanasan ng bansa.
Sinabi ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan sa naganap na Senate Hearing nitong Miyerkules, bagama’t inaasahan ang mataas na bilang ng mga kabataang hihinto sa pag-aaral dahil sa pagpapatupad ng distance learning ngayong Agosto dahil sa sumisipang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa ay sisikapin parin ng ahensya na makagawa ng hakbang upang magkaroon ng sapat na access sa aralin ang mga batang hindi nakapag-enroll.
Noong nakaraang taon, pumalo sa 27.7 million ang bilang ng mga mag-aaral, bumaba kumpara sa bilang ng mga mag-aaral sa kasalukuyan.