top of page

400,000 OFWS Nagbabadyang Mawalan ng Trabaho Dahil sa COVID

Updated: Apr 24, 2020

Sa isang pag-aaral ng Ateneo de Manila University, inaasahang makararanasng layoffs at salary cuts ang mahigit-kumulang 300,000-400,000 overseas Filipino workers o OFWs dahil sa pagsasara ng mga opisina at establisiyemento na dala ng COVID-19 pandemic.

Ito ang mga paunang assumptions ng dalawang akademiko mula sa Unibersidad ng Santo Tomas at Ateneo sa kanilang papel na iniharap sa Ateneo de Manila Center for Economic Research and Development o ACERD.

Ayon kay ACERD Director Alvin Ang and Executive Director of the Institute for Migration and Development Issues Jeremaiah Opiniano, ang kasalukuyang lockdown naipinapatupad sa Pilipinas ay nararanasan din sa maraming bansa upang masugpo ang pagdami ng COVID-19 cases.

Bilang resulta, isinaad ni Ang at Opiniano na higit na maaapektuhan ang mga Pilipino sa economic disruptions na magiging dahilan ng pagbabago sa presyo ng langis sa world market.


bottom of page