405 Lokal na Opisyal, Nahaharap sa Reklamong Korupsyon sa SAP
Kasalukuyang nasa ilalim ng imbestigasyon ng police Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nasa 405 local government officials sa dahil sa di umano’y korupsyon nila sa distribusyon ng emergency social amelioration (SAP) program.
Kabilang sa mga paratang sa mga opisyal ang di umano’y pagsasama ng kanilang mga kamag-anak ay unqualified recipients sa listahan ng beneficiaries, at paghahati-hati ng ayuda upang mabigyan ang mga kabahayang wala rin sa listahan ng beneficiaries.
Mula sa 307 bilang ng mga reklamong natanggap ng CIDG, 169 na ang tinaggap at hinahawakan ng police department.
74 sa mga opisyal ang nahaharap ngayon sa mga kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at RA 11469, also known as the Bayanihan to Heal as One Act.
