top of page

42-anyos na PDL sa Camarines Sur, Bida sa Paggawa ng Canvas Painting


Photo from BJMP-Libmanan.

Ibinida ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa probinsya ng Libmanan sa Camarines Sur ang isang 42-anyos na person deprived of liberty (PDL) ang obrang gawa nito magmula nang siya'y makulong.

Sa district jail ng Libmanan, natuklasan ni alyas Kevin ang galing sa pagpipinta sa canvas maliban sa paggawa nito ng mga karatula ng negosyo noon.


Dahil sa pagkahilig nito sa paggawa ng mga obra ay nagiging daan rin ito upang matulungan niya ang kanyang pamilya dahil umaabot mula P1,200 hanggang P1,600 ang ibinabayad sa mga bawat obrang gawa niya.

Ani Kevin, maaaring ito ang plano sa kanya ng Panginoon sapagkat dito aniya nakilalang lubusan ang sarili at na-develop ang kanyang talento na hindi niya nakita noong malaya siya.

bottom of page