44-Anyos na Ina sa Laguna, Nakapagtapos ng Senior High School


Photo from Facebook.com/ryzinnia.agualada

Hindi nagpatinag at matagumpay na nakapagtapos ng Senior high school si Elena Dacuran-Agualada, 44-anyos, sa Ignatius Technical Institute of Business and Arts sa Sta. Rosa, Laguna sa ilalim ng Home Economics strand kasabay ng pagiging isang caretaker at labandera sa kanilang lugar.

Mula sa naging Facebook post ni Ryzinnia Agualada, anak ni Elena, malugod niyang ipinagmamalaki ang kanyang ina matapos itong makapagtapos ng senior high school sa kabila ng kahirapan at hamon sa buhay ng kanilang pamilya.

Ayon kay Elena, hinimok niya ang lahat ng mga kagaya niyang gusto ulit mag-aral na huwag mahiya at huwag pansinin kung ano man ang sasabihin ng iba, bagkus magpatuloy at huwag magpapatinag.

Planong ituloy ni Elena ang kanyang pag-aaral hanggang kolehiyo at kung papalarin ay gusto niyang kumuha ng kursong Edukasyon.