• Radyo Pilipino News Team

5 Taong Gulang na Batang Lalaki sa US, Itinakas at Minaneho ang Sasakyan ng Magulang

Nahuli ng Utah Highway Patrol (UHP) ang isang 5 taong gulang na batang lalaki na minamaneho ang di umano’y itinakas na sasakyan ng kaniyang magulang sa freeway ng Utah, United States. Pinatigil ng isang traffic enforcer ang sasakyan na minamaneho ng bata sa pag-aakalang nakainom o inaantok ang driver. Ayon sa post ng UHP, itinakas ng bata ang kotse habang parehong nasa trabaho ang kaniyang mga magulang at papunta na ito sa California upang bumili ng Lamborghini matapos tanggihan ng kaniyang ina ang kagustuhang mabili ang mamahaling sasakyan. Agad namang pinaalam ng mga awtoridad sa magulang ng bata ang nangyari at agad silang pumunta sa kaganapan. Inabisuhan ng enforcer ang mga magulang at guardians na bantayang maigi ang mga bata.