• Estephany Rivera

6-Month Old Baby sa India, Kinupkop ng Doktor Matapos Magka-COVID ang mga Magulang Nito


Contributed photo.

Nakita na ng mag-asawa ang kanilang 6 na buwang gulang na anak sa India matapos magpositibo ang mga ito sa Covid-19 at kupkupin muna ng doctor ang kanilang anak.

Kinuha ng lokal na child welfare committee ang batang si Elvin upang ipaalaga sa mga kamag-anak nito ngunit walang gustong kumupkop sa bata sa takot na mahawa din sa COVID-19.

Walang-alinlangan namang kinuha ni Dr. Mary Anitha ang bata bagamat mataas ang tiyansang nahawa ito ng COVID sa ina na nag-alaga kay Elvin pagkatapos nitong magpositibo sa sakit.

Tumira ang dalawa sa isang apartment unit simula June 15 kung saan hinahatiran na lamang sila ng pagkain, na iniiwan sa labas ng pintuan ng unit, ng tatlong anak ni Anitha.

Ipinarating naman ng ina ni Elvin ang kaniyang pasasalamat sa doktor, na kinokontak sila sa pamamagitan ng video calls, at sa pamilya nito at sinabing malaki ang respeto niya sa kanilang desisyon.