60-Anyos na Retirement Age sa PNP, Isinulong sa Senado


Mula sa kasalukuyang 56 taong gulang na retirement age ng mga opisyal at non-officers ng Philippine National Police (PNP) ay isinusulong ni Sen. Leila de Lima na gawin itong 60-anyos sa ilalim ng inihain nitong panukala sa Kamara.


Sa isinumiteng Senate bill 1899 ni de Lima ay nakasaad rito na maikokonsiderang bata pa aniya ang edad na 56 para agad magretiro ang mga opisyal at personnel ng pulisya lalo na kung maitalaga ang mga ito sa mas mataas na puwesto gaya ng nangyari kay PNP chief Gen. Camilo Cascolan na nabigyan lamang ng dalawang buwan na panunungkulan.


Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang pagpapalawig ng retirement age ng PNP ay makakasiguro ng mas mabuti at bihasa na opisyal sa hanay ng ahensya.


Dagdag ng kalihim, napagkakaitan aniya ng oportunidad ang mga batang henerasyon ng mga pulis na maturuan ang mga ito ng kanilang mga senior officials upang mas lalong mapabuti ang kanilang trabaho sa hanay ng pulisya na nagtataglay ng galing, high level of fitness, agility, at lakas ng katawan.