70-Anyos na Lola sa Iloilo, Nakapagtapos ng Kolehiyo


Photo from Facebook/MJ Latorza Fernandez.

Nagsikap na makapagtapos ng kolehiyo si Marina Loloy, 70-anyos ng Barangay Maribong sa Lambunao, Iloilo sa kursong Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management kahit pa ito’y mayroong 11 anak at mga apo.

Noong una ay nakaramdam si Marina ng hiya habang ito’y nag-aaral dahil na rin sa kaniyang edad ngunit sa hindi matatawarang suporta ng kanyang pamilya ay naging lakas niya ito upang ipagpatuloy ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

Ani Marina, ang kanyang mga anak na nakapagtapos maliban sa isa ay ang inspirasyon nito kahit minsa’y aniya gusto na niyang sumuko dahil sa hirap ng pag-aaral ngunit di kalaunan ay naging motibasyon niya ito upang magsikap pa lalo.

Nitong Agosto lamang ay kabilang si Marina sa mga matagumpay na nakapagtapos sa West Visayas University Calinog Campus.