top of page

70% ng Business Establishments sa Dubai, Maaaring Magsara sa Susunod na Anim na Buwan

Sa sa isang survey na isinagawa ng Dubai Chamber of Commerce noong Abril 16-22, halos 70% ng mga commercial at business areas sa Dubai, UAE ang posibleng magsara sa loob ng anim na buwan dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic. Sa 1,228 na CEO ng mga kompanya na nagsilbing respondents ng survey, 27% sa kanila ang nagsabi na magsasara na sila sa susunod na buwan, at 43% naman ang umaasang aabot pa sa anim na buwan ang kanilang mga business. Posible di-umano na kaya marami ang napipilitang itigil ang operation ng kanilang business ay dahil sa pag-extend pa ng pagpaptupad sa mahigpit na lockdown measures. Umaasa naman ang Dubai Chamber na mabubuhay muli ang komersiyo sa lugar sa mga susunod na linggo at buwan, kasabay ng normal operations ng mga business. Ang Dubai ang nagsisilbing sentro ng komersiyo sa Middle East, na nakapokus sa tourism, entertainment, logistics, property at retail.



bottom of page