top of page

72% ng Pamilyang Pilipino, Nakatanggap ng Ayuda ayon sa SWS Survey


Contributed Photo.

Sa pinakabagong survey na inilabas ng Social Weather Station (SWS), 72% ng 1,555 na Pinoy ang nagsabing nakatanggap raw ng tulong pinansiyal ang kanilang pamilya bilang ayuda simula ng magkaroon ng COVID-19 pandemic.

Batay sa datos na inilabas ng SWS, Metro Manila ang may pinakamaraming bilang ng pamilya nakatanggap ng ayuda sa 85%, 75% naman ang mula sa iba pang bahagi ng Luzon, 64% mula sa Visayas, at 65% mula sa Minadanao.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng mobile phones at computer-assisted telephone interviewing (CATI).

Binigyang-linaw din ng survey na ang porsyento ng nakatanggap ng ayuda ay mas malaki sa mga hindi nakapag-tapos ng elementarya (71%), samantalang 75% naman ang mga nakatanggap sa elementary graduates, 77% sa junior high school graduates, at 58% sa college graduates.

bottom of page