top of page

75% Capacity ng Ekonomiya, Posibleng Bumalik na sa Hulyo


Photo is for illustration purposes only.

Matapos maitala ang ating bansa sa may pinakamahabang panahon ng quarantine at lockdown, ipinahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas na maaaring maisauli ang 75% ng ekonomiya ng bansa sa darating na buwan ng Hulyo.

Ito'y matapos gumana ng 50% ang lahat ng kalakaran sa Metro Manila at sa ibang GCQ areas at balik na rin sa dati ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Kasama ang Monetary Board, BSP Governor Benjamin Diokno ang pagtakda ng mas mababang benchmark interest rate ng 125 basis points ngayong taon, kung saan ang 100 dito ay nailaan para sa mga lockdown at ECQ areas.

Sinusuri din ng monetary authorities ang iba't ibang factors gaya ng inflation rate at gross domestic product kung babawasan ang overnight borrowing rate at ang reserve requirement ratio.

Layunin ng pamahalaan na magkaroon ng 2 hanggang 3.4% contraction sa gross domestic product, ngayong taon matapos humina ang ekonomiya ng Pilipinas sa unang pagkakataon sa loob ng 22 taon noong Marso.

bottom of page