79 Anyos na Lolo Papasok sa Kolehiyo


Contribute photo.

Papasok sa kolehiyo si Leodegario Balhinon, 79 anyos mula sa Agusan del Norte sa darating na pasukan para mag-aral at tumuklas ng iba pang kaalaman sa kabila ng kanyang edad.

“Walang pinipiling edad ang pag-aaral” kaya naman pursigido si Balhinon na tuparin ang kanyang pangarap sa buhay – ang makapag-aral sa kolehiyo at magkaroon ng magandang trabaho pagkatapos.

Naging viral si Balhinon sa social media matapos siyang tulungan ni Angelica Talaugon, 18 anyos para mag-fill out ng enrollment form kasabay ng pagkuha ng litrato sa kanya na siya rin mismo ang nag-post sa kanyang social media account na umani ng paghanga at iba’t ibang reaksyon mula sa mga tao.

Sinabi ni Balhinon na gusto niyang makapagtapos sa kolehiyo upang maging manager ng kooperatibang kanyang pinapasukan.

Nakatakdang kunin ni Balhinon ang Bachelor of Secondary Education major in English sa Agusan del Sur State College of Agriculture and Technology ngayong pasukan bilang freshman student.