79 Taong Mag-Asawa sa Ecuador, Hinirang Bilang "World’s Oldest Couple"


Hinirang na “World’s Oldest Couple” ng Guinness World Records ang mag-asawang sina Julio Cesar Mora Tapia, 110 at Waldramina Maclovia Quinteros Reyes, 104 sa bansang Ecuador na 79 taon nang nagsasama.

Ayon sa Guinness World Records, ipinanganak si Julio noong March 10, 1910, habang isinilang noong October 16, 1915 na mayroong 214 na pinagsamang edad.

Noong 1941 nang sikretong ikasal ang dalawa dahil hindi sang-ayon sa relasyon ang ilan sa kanilang kaanak, kaya minabuti nina Julio at Waldramina na ilihim na lamang ito.

Ibinahagi ng mag-asawa na ang sikreto ng kanilang pagsasama ng matagal ay ang love + maturity + mutual respect sa isa’t isa.

Naagaw nina Julio at Waldramina ang titulo sa mag-asawang sina John, 106 at Charlotte, 105, Henderson mula sa Texas na may 211 anyos na pinagsamang edad.