80-bed Isolation Facility, Binuksan na sa Malolos


Photos from Malolos City Information Office.

Pormal nang binuksan ng Department of Public Works (DPWH) at ng lokal na pamahalaan ng Malolos ang 'We Heal as One Center' na mayroong 80-bed capacity na nagsisilbing isolation facility ng lungsod.

Ang karagdagang 32-beds naman ay matatagpuan sa itinayong container vans malapit sa Malolos City Government Center katabi ng Bulacan Cyber Park ag Business District ng lungsod.

Kabilang rin ang pinasadyang nursing station at electric room sa mga naturang container vans para sa mga medical frontliners na umaasikaso sa mga pasyente.

Tinatayang P43 milyong piso ang nagastos ng DPWH para sa proyektong ito sa ilalim ng Republic Act 11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act.