83 Anyos na Lola, Tuloy parin ang Pamamasada sa Valenzuela


Contributed photo.

Sa edad na 83 ay madiskarte at hindi alintana ni Federacion Villalon, o mas kilala sa tawag na “Lola Fedeng” ang pamamasada ng pedicab sa ilalim ng matirik na sinag ng araw sa lugar ng Valenzuela para may pangtustos sa pang-araw-araw na pangangailangan nilang mag-asawa.

Tuwing alas-9 hanggang alas-11 nang umaga ay umaarangkada sa lansangan ang matanda upang makahanap ng pasaherong maisasakay at ang kikitaing 100 kada araw ay magsisilbing pambili ng kanilang ulam.

Nasa 43 taon nang namamasada si Lola Fedeng, may sakit at mahina na ang kanyang asawa kaya naman todo ang kanyang pagsusumikap para makapamasada araw-araw sa kabila nang kanyang katandaan.

Dalanganin ni Villalon na hindi sila pabayaan at patuloy na gabayan ng Panginoon para sa ganoon ay mayroon pa siyang lakas para mabuhay at makapamasada.