top of page

9,600 Artists, Nakatanggap ng Ayuda mula sa NCCA


Ipinahayag ng National Commission for the Culture and Arts (NCCA) na nakapamahagi na sila ng tulong pinansiyal sa mahigit 9,600 dalubsining na naapektuhan ang kabuhayan bunsod ng COVID-19 pandemic.

Kinumpirma ito ni NCCA Chairman Arsenio Lizaso, na nasa mahigit 10,500 ang mga aplikante at patuloy pa ring namimigay ng ayuda ang ahensiya.

Ayon kay Lizaso, lubhang naapektuhan ang mga artists ng pandemiya at marami sa kanila ang nawalan ng nga hanapbuhay.

Dagdag pa ng NCCA chair na masusi raw sinusuri ng ahensiya ang mga aplikasyon upang masigurong walang mga duplicate ang mga ito at mas marami pa ang kanilang matulungan.

Patuloy pa ring tumatanggap ng aplikasyon ang NCCA at nilalayong mabigyan ng cash aid ang nasa 23,000 pang mga dalubsining.

bottom of page