90 Porsyento ng Cavite, Lalagyan ng Libreng Wifi

Masayang inanunsiyo ni Cavite Governor Jonvic Remulla, sa isang facebook post, na magkakaroon ng libreng WiFi system ang probinsiya na sasakop sa nasa 90 porsyento ng residential areas sa lugar.
Sinabi ng gobernador na ang libreng internet connection sa lugar ay para sa educational purposes ng mga public school students ngayong magpapatupad na ng blended learning ang Department of Edication (DepEd) dahil sa banta ng COVID-19.
Ayon kay Remulla, magagamit ng mga estudyante ang internet sa pamamagitan ng pag-lolog-in nila dito gamit ang kanilang ID number.
Ipinahayag din ng politiko ang hangarin nitong magamit ang internet infrastructure bilang tulong sa research, connectivity, retail, at knowledge generation sa oras na makabangon na ang ekonomiya ng lugar.
Dagdag ni Remulla na naniniwala raw siyang ang access to internet ay isang karapatan hindi pribilehiyo.