92-Anyos na Lola, COVID-19 Survivor sa Negros Occidental

Nagsisilbing inspirasyon ngayon ang 92-anyos na lola sa Himamaylan City, Negros Occidental na si Antonina Gargoles dahil sa kabila ng kanyang edad ay matagumpay niyang nalagpasan ang hamon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kanyang kalusugan.
Ika-23 ng Hunyo nang magpositibo si Gargoles sa COVID-19 at nang siya ay bisitahin ng rural health physician ng Himamaylan City na si Dr. Kaye Marie Yap matapos ang kanyang 14-day quarantine period ay nananatiling mahina, may lagnat at hirap parin ito sa paghinga.
Isa sa mga mas nagpalala ng kanyang kondisyon ay ang pagkakaroon niya ng Chronic Obstructive Pulmonary Disease kaya naman mas naging maagap ang Rural Health Unit ng Himamaylan sa pagbigay ng mga gamot sa matanda kontra COVID-19.
Makalipas ang dalawang araw na pag-inom ng gamot ay umayos at gumanda na ang pakiramdam ni Lola Antonina at di kalaunan nawala na ang kanyang lagnat at iba pang sintomas ng sakit. Nang muli itong isailalim sa swab test ay nagnegatibo ang resulata nito mula sa sakit na COVID-19.