top of page

92 OFWs na Taga-CARAGA Region Nakauwi na Matapos Ma-stranded sa Maynila


Photos from OWWA-CARAGA

Ligtas na dumating ang 92 na mga Overseas Filipino Workers (OFW) na taga Caraga Region matapos na stranded sa Maynila dahil sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine dahil na sa COVID-19 outbreak.


Sa 92 na nakabalik na mga OFWs, 18 ang galing sa Butuan City, 15 ang galing sa Agusan Del Norte, 10 sa Agusan Del Sur, 34 naman sa Surigao Del Norte at 9 sa lalawigan ng Dinagat Islands.

Photos from OWWA-CARAGA

Sakay ang mga OFWs sa M/V St. Francis Xavier sa 2Go Shipping at doon dinuong sa Port of Nasipit, Butuan City.


Ang pagdating ng mga OFW ay tinulungan ng Agusan Ports Authority, Overseas Workers Welfare Association (OWWA), Philippine Coast Guard, Department of Health, Philippine National Police, at mga lokal na yunit ng gobyerno.


Photos from OWWA-CARAGA

Kaagad naman na inendorso ng mga taga OWWA RWO Caraga Repatriation team kasama ang DOH-CHD Caraga, PCG-Nasipit at LGUs sa kanilang munisipyo at muling dadaan sa Rapid Test at 14 day Quarantine bago maka uwi sa kanilang mga tahanan.





Photos from OWWA-CARAGA

bottom of page