top of page

93% ng Pampublikong Paaralan sa Bansa, Nakatanggaap na ng Distance Learning Devices, Ayon Sa DepEd


Umabot na sa 93% at tinatayang isang milyong piraso ng gadgets ang naipamahagi na ng Department of Education (DepEd) sa mga pampublikong paaralan bilang pagtugon sa distance learning ng mga mag-aaral at guro sa buong bansa.

Ayon kay DepEd Director for Information and Communications Technology Service (ICTS) Abram Abanil, mayroon nang 1,042,575 sumatutal ang lahat ng distance learning devices na ipinamahagi ng ahensya sa 43,948 na pampublikong paaralan sa buong bansa.

Ani Abanil, ang mga naturang gadgets ay malaking tulong para sa mga estudyanteng nais ipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng krisis na kinakaharap ng bansa sa pamamagitan ng online learning ngayong pasukan.

Ngayong Disyembre, nakahanda na ang 211,344 devices bilang karagdagan sa mga ipamamahagi sa ilang pampublikong paaralan sa buong bansa.

bottom of page