top of page

Abaca Face Masks, Bida sa Catanduanes


Photo from facebook.com/terestian.craft

Sa pamamagitan ng abaca naging madiskarte ang handicraft entrepreneur ng Catanduanes para makagawa ng alternatibong face mask bilang proteksyon laban sa coronavirus disease.

Naisip ni Teresita Sebastian, may-ari ng Ody’s Homecraft sa probinsya ng Virac sa Catanduanes ang konseptong ito gamit ang abaca at nakagagawa siya ng face mask na ibinebenta niya sa halagang P20 piso.

Mayroong dalawang uri ng handmade mask si Sebastian – dual-ply at single-ply. Ang dual- ply ay gawa sa abaca paper ang outer part at manipis na tela naman ang inner part nito. Samantala, ang single-ply ay binubuo lamang ng abaca at tissue paper o gasa.

Ayon sa pag-aaral ng Department of Science and Technology (DOST) Region 10, sinasabing mas mainam gamitin ang abaca bilang facemask dahil mas higit na maganda ang filtration nito kumpara sa regular na tela at N95 mask.

Ani Sebastian, bagama’t papery texture ang abaca mask niya ay washable at reusable parin ito at siniguro rin niya na kumportable itong gamitin.

bottom of page