• Malou Manuel

Abueva, Balik Laro na sa PBA


Kasama ng Team Phoenix LPG si Calvin Abueva sa isinagawang swab test ng buong koponan sa Makati Medical Center kung saan isa ito sa health protocol ng PBA bago makasama sa practice.

Sa isinagawang swab test ng mga players ng Pulse Fuel Master ay negatibo naman ang mga ito, gayundin ang controversial player na si Abueva.

Katunayan ay balik laro na rin siya dahil lahat ng pinagawa sa kanya tulad ng drug test, community service at psychological test ay naipasa na lahat ng dating player ng San Sebastian College.

Noong wala pang lockdown at wala pang Covid-19 pandemic ay nagpa-practice ang player sa team ng Phoenix at hindi ito tumigil sa kakaensayo para di mawala sa kundisyon ang pangangatawan.


Laking pasasalamat ni Calvin, kahit matagal siyang naghintay ay nagkaroon ng magandang resulta ang pagtitiis niya na ma-lift ang indefinite suspension sa kanya na halos may isang taon na rin.


Samantala, hindi makakasama sila Jake Pascual sa training ng team dahil nagpapagaling pa ito ng ACL injury. Si Jason Perkins ay buntis ang asawa, at Jansen Rios ay may inaalagaan na senior citizens sa kanilang bahay.