top of page

Abueva, Balik Laro sa PBA

Updated: Jul 7, 2020


Calvin Abueva. Photo by Pinky Romero.

Mapapaaga ang pagbabalik ni Calvin Abueva sa paglaro sa PBA, para sa Pilippine Cup, sa All Pinoy.

Nagiba ang ihip ng hangin kay PBA Commissioner Willie Marcial na una nitong sinasabi na kailangan pang maipasa ni Abueva ang isa pang test na hirap itong ipasa.

Nakatulong rin sa Phoenix player ang kumalat na balitang kinukuha siya ng Japan B League kung saan nauna na ditong pumirma si Thirdy Ravena sa team ng Sun En-Neo Phoenix. Pagkatapos ni Ravena inooferan na si Calvin ng isang team ng Japan para maglaro doon bilang import. Maliban sa kanya ay nais rin kunin ng B League sina Terrence Romeo, at Raymund Almazan .

Humanga si Commissioner Marcial kay Abueva dahil priority ng dating San Sebastian Player na makapaglaro sa PBA at matiyaga itong naghintay sa desisyon ng liga.

Bagamat halos isang taon rin ang hinintay niya, sabi ni Calvin kung sakaling hindi pa siya makabalik ngayong conference ay posibleng tanggapin nito ang offer ng B League.

Dagdag pa ni PBA Commissioner Marcial, malaki daw ang ipinagbago ni Abueva mula sa pag-uugali, pananalita pati na ang pagkilos nito. Nag community service ito na isa sa pinagagawa ng PBA kay Calvin.

Sa pagkakasuspindi ni Calvin, marami itong natutunan kung paano mag handle ng isang pamilya.

Sa katapusan ng Agosto ay paso na ang kontra ni D Beast sa Fuel Master. Kung hindi man ito maire-renew ay maraming nag aabang sa kalibre ng player tulad ng Magnolia Hotshot at Brgy. Ginebra.

bottom of page