top of page

Academic Freeze, Mariing Tinutulan ng mga Pribadong Paaralan


Contributed Photo.

Mariing tinutulan ng Federation of Associations of Private Schools and Administrators (FAPSA) ang panawagang magkaroon ng “Academic Freeze” dahil marami na umanong eskwelahan nagbukas ng klase bago ang itinakdang petsa ng Department of Education (DepEd) sa Oktubre 5.

Sinabi ni FAPSA President Eleazardo Kasilag na magpapatuloy pa rin sa pag-ooperate ang mga private schools kahit na ipatupad ang academic freeze at handa silang gawing ‘better normal’ ang new normal.

Ayon sa grupo na binubuo ng nasa 3,000 na miyembro, hindi na angkop sa panahon ang panawagan lalo na’t marami ng pribadong paaralan ang nagpupumilit na lamang na makaya ang kasalukuyang school year.

Ito’y matapos magtrending sa social media ang #AcademicFreeze at kumalat ang online petisyon para sa DepEd kung bakit kailangan itigil ang school year hanggang sa magkaroon na ng COVID-19 vaccine.

Mayroon na ngayong halos 228,000 na lagda ang nasabing petisyon noong Setyembre 7, nalalapit na sa target nitong 300,000.

bottom of page