top of page

Africa, Idineklarang Polio-Free


Photo from WHO.

Idineklara ng World Health Organization (WHO) ang paglaya ng kontinente ng Africa mula sa wild poliovirus pagkatapos ng mahigit 30 taon pakikipaglaban dito.

Apat na taon nang walang naiuulat na kaso ng Poliomyelitis (Polio), isang highly infectious virus na nagmumula mula sa dumi ng infected nito at nagdudulot ng pagkaparalisa sa mga bata, sa buong kontinente.

Ang huling kaso ng sakit sa Africa ay naitala noong 2016 sa Nigeria kung saan mariing tinututulan ng mga Jihadists ang pagbabakuna sa paniniwalang ito’y isang hakbang laban sa mga Muslim.

Pinasalamatan naman ni WHO Regional Director Matshidiso Moeti ang lahat ng tumulong lalo na ang mga frontline health workers at vaccinators na nag-alay ng kanilang buhay para sa mapuksa ng sakit.

Tinatayang nasa 30,000 na kabataan na lamang ang ‘inaccessible’ na pinaniniwalaang masyado nang mababa upang magdulot ng epidemic breakout.

Sisiguraduhin naman ng ahensiya na hindi na makapapasok sa Africa ang wild poliovirus mula sa mga karatig na bansa ng Afghanistan o Pakistan.

Inilunsad ng WHO, UNICEF, at Rotary noong 1988 ang isang Worldwide campaign na layuning puksain ang polio disease sa buong mundo.

bottom of page