Aguilar, Wong at Go, Ipapatawag ni PBA Commissioner Willie Marcial sa Lunes

Nakatakdang ipatawag ni PBA Commissioner Willie Marcial sa darating na Lunes (July 06), 2:00pm sa PBA office ang mga PBA players na lumabag sa protocol ng (IATF), Inter Agency Task Force.
Kumalat sa video ang paglalaro ng 5 on 5 noong July 01, sa Ronac Gym, San Juan na kinabibilangan nina Japeth Aguilar ng Brgy Ginebra, Rookie Adrian Wong ng Rain or Shine Elasto Painters, at special draft ba si Isaac Go, kasama ang dating teammates ni Go na si Thirdy Ravena at iba pang players.
Wala pang linaw kung laro nga ba ito na may pustahan o papawis lang ng ilang pba players ang isinagawang laro sa Ronac Gym kung saan dito regular ang practice ng Magnolia Hotshot.
Kakausapin ni Kume Marcial ang mga kasamang naglaro sa naturang gym upang hingan ng paliwanag ang bawat isa sa naganap na game.
Kung liga itong pinaglaruan nina Aguilar, Wong at Go at ibang pang mga players ng PBA ay may kapurasahan na binibigay ang PBA.
Base sa kontrata ng mga players nakasaad na bawal maglaro sa ligang labas at may penalty itong hindi bababa sa P50k. Tulad na lamang nung naglaro sa ligang labas sina Calvin Abueva at Vic Manuel, Ping Exciminiano at iba pang players na hindi inintindi ang pinirmahang kontrata.
Kamakailan ay pinagbabawal pa ng gobyerno ang sports na may physical distancing, maging ang mga scrimmage sa basketball. Katunayan bawal ang mga coaches na tumungo sa practices. Sapagkat pinag iingat ang lahat para makaiwas sa Corona Virus.
Ayon nga kay PBA Commissioner Willie Marcial, rerebyuhin nila ang video na nakuha at naniniwala si Kume na hindi naman parurusahan ng IATF ang mga players kasama sa naglaro.