top of page

Aktibidad ng PSC para sa 2020, Gagawin na sa 2021


Posibleng gawin na sa 2021 ang lahat ng mga aktibidad ng Philippine Sports Commission (PSC), kabilang na ang pinakamalaking torneo sa Philippine National Games, Batang Pinoy at iba pang high level competitions.


“We decided to cancel all the activities this year and hold them next year because of the deadly pandemic COVID-19. It’s quite disappointing but we have to do it to save and protect the lives of the national athletes and aspiring athletes,” sabi ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.


Nakatakda sa­nang gawin ang Philippine National Games at Batang Pinoy sa Rizal Sports Complex at Philsports Arena sa Pasig sa Oktubre.


Tampok din sana sa PNG ang national athletes at aspi­ring athletes mula sa iba’t ibang liga sa bansa tulad ng UAAP at NCAA na magtutunggali sa 30 sports.


Ang Batang Pinoy ay tatampukan naman ng mga kabataan na may edad 18 pababa mula sa public schools sa 17 regions sa bansa, kasama ang NCR o National Capital Region.


Sinabi ni Ramirez na magkakaroon ng mahabang panahon ang mga atleta para paghandaan ang PNG at Batang Pinoy.


“They have extra time to prepare for the two tournaments,” dagdag pa ni PSC Chairman Ramirez


May tatlong division ang Batang Pinoy sa Luzon, Visayas at Mindanao at lahat ng qualifiers ay maghaharap harap sa National finals.


Subalit, binago ng PSC ang format at ginawa na lamang na isang torneo kung saan lahat ng atleta sa Luzon, Visayas at Mindanao ay maglalaban laban.

bottom of page