• Admin

Alagang Aso sa America, Nagpositibo sa COVID

Matapos magpositibo ang dalawang alagang pusa sa New York, isang asong pug naman ang nagpositibo rin sa coronavirus disease (COVID-19) South Carolina, U.S.A bilang pangatlong kaso ng mga hayop at unang kaso sa mga aso sa America. Sa ulat ng American Humane Society Reuters, pinaghihinalaang nakuha ng aso ang sakit dahil tatlo sa kanyang mga amo ang kamakailang nagpositibo sa COVID. Sinabi naman ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC) Top Infectious Disease Specialist Dr. Anthony Fauci na walang patunay na naipapasa ng hayop ang virus sa tao. Tiniyak naman ng pamilya na nasa mabuting kalagayan na ang alaga at ‘di nakararanas ng malubhang sintomas.


5 views