• Radyo Pilipino News Team

Alagang Tuta ng Isang Tricycle Driver sa Tarlac, Nagdala ng Good Vibes sa mga Pasahero

Dala ang positive vibes sa kabila ng mahirap na sitwasyon dahil sa COVID-19, nakasama ng ating kababayan na si Arlene Torres si Pretzel, isang cute na cute na alagang tuta ng kanyang nasakyang tricycle driver sa Tarlac City, Tarlac.

Sa Facebook post ni Arlene, sinabi niyang sa anak daw ng public vehicle driver ang pet puppy ngunit walang mag-aasikaso kay Pretzel sa bahay kaya't dinala na lamang niya ito sa trabaho.

Dagdag pa niya, ang makita ang paw-sahero na ito ang nagbigay sa kanya ng positivity sa gitna ng mga mga mapanghamong kalagayan na dapat maghanap pa rin ang bawat isa sa atin ng dahilan upang sumaya at ngumiti.