"Arak" ginagamit sa paggawa ng hand sanitizer sa Bali, Indonesia
Nalutas ang problema ng mga taga-Bali, Indonesia nang makaisip si Bali Police Chief Petrus Golose ng paraan upang makagawa ng alternatibong hand sanitizer mula sa lokal fermented palm wine na tinatawag nilang “Arak”.
Sa loob ng isang linggo, nakagawa si Golose ng disinfectant na mayroong 96 percent
alcohol content at pasok sa standards ng World Health Organization.
Natugunan ang pangangailangan sa paggawa ng alcohol sa tulong narin ng
miyembro ng Uyadana University at mga residente na nagbahagi ng mahigit-kumulang
4,000 litro ng arak.
Ito ay ang pagtugon ni Golose pagkatapos mapansin ang nakaaalarmang kakulangan at
kamahalan ng alcohol o sanitizer sa kanilang lokal na merkado.
