Alternative Learning Bill, Pasado sa Senado
Inaprubahan na ng Senado ang Senate Bill 1365 o Alternative Learning System (ALS) Bill na naglalayong pag-igtingin ang ALS sa bawat siyudad at bayan sa bansa. Nakapaloob sa SB 1365 ang pagbubukas ng ALS community learning centers sa bawat parte ng Pilipinas at pagbibigay ng learning modes tulad ng digital learning, face-to-face sessions, radio o television-based instructions, at workshops sa ALS students. Nilalayon din ng batas ang pagbuo ng Bureau of Alternative Education na magsisilbing opisina ng ALS programs, at sasailalim ito sa Department of Education. Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian, na siyang principal author at sponsor ng bill, na hinahangad ng ALS Act na mabigyan ng pangalawang pagkakataon at oportunidad ang mga estudyanteng nahinto sa pag-aaral na magkaroon ng magandang buhay.
